MAGSILBI SA DIYOS at sa bayan!!

MAGSILBI SA DIYOS at sa bayan!!

Thursday, December 10, 2009

nakakalula

papunta ako ng u.p diliman, sa college of arts and letters..
sa stockroom ng u.p kontra-gapi..
para tumambay at mangamusta..
galing ako ng opisina ng ISACC sa ortigas
nagdesisyon akong mag-mrt at bumaba sa quezon ave. station..

paglabas ko ng mrt nakatawag pansin sa akin ang bagong bukas na mall..
dun ako dumaan sa "centris"
maganda ang loob at kawili-wili ang mga naka-display

tinahak ko ang daan patungo ng malaking "footbridge"
dito, umandar ulit ang pagkalula ko.
sa totoo lang, may "height phobia" ako..
sobra akong malulain..

pero mas nalula ako sa nakita ko nung pababa na ako ng footbridge..
nakita ko ang dalawang (2) bata na naka-upo sa footbridge..
may tangan-tangang lalagyanan ng barya..

nalula ako, as in nalula ako..
di ito sinyales na magpapasko na.
pero sa araw-araw na ginawa ng PANGINOON,
eto ang sasampal sa mukha mo..
ang marahas ng kahirapan....

Wednesday, December 9, 2009

sayang

nuong nakaraang nov.17, bumili ako ng charger ng ipod.
masaya ako kasi mura kumpara sa napakamahal na original na
charger ng ipod, ito'y nakakahalagang Php 2,000.
pero nitong dec.7 nasira ito. dali-dali akong nagpunta sa shop ng
"games & gadgets" sa sm megamall.
pero laking panghihinayang ko na di na nila ito mapapalitan dahil daw sa
lagpas na sa dalawang (2) linggong warranty.
sayang ang Php 490 ko.
di na ako nakipagtalo sa kanila, di ko alam kung bakit, baka wala ako sa mood
makipagdiskasyunan.

di ko maiwasang mapag-isip na, bakit ganito kaiksi ang warranty na ibinibigay nila
sa mga pang-elektronikong kagamitan? nakakatawang isipin na masisira ang charger na ito sa ika-15 na araw (kasi 2 linggo lang ang warranty).
o mas okay talaga na bumili ng orig (kahit mahal) para sulit talaga ang ibabayad mo..
kayo ang maghusga, pero ako di na ako bibili dun sa games & gadgets (4th floor) sa sm megamall...

Friday, December 4, 2009

patay kung patay

di ko alam kung anu ang tingin ng mga tao sa akin,
masaya ako pagpumupunta ng patay o burol :D
kesahodang kamag-anak, kaibigan o nahatak lang ako.

marami ang nangyayari kapag may patay.
nakikita at naoobserbahan ko ang mga ito..
kapag may patay..

... dito nagkakatipon-tipon ang mga magkakamag-anak,
kung baga, "reunion".
... dito nagkakabati-bati ang may mga hidwaan.
... lumilitaw ang mga nakakagimbal na pamahiin ng mga
pilipino na magugulat ka talaga dahil ngayon mo lang
maririnig sa talang-buhay mo.
...

Thursday, December 3, 2009

"di makatalon ang pusa"

nakaraang linggo..
nagturo kami (ISACC) sa 20 community leader
na taga-buenavista, marinduque..
ginanap ang "transdev" (TRANSformational DEVelopment) retreat
sa rrc (rizal re-creation center)

paldo ang pagkain dun, buffet (bupey) ang labanan dun..
talo ang mahihinang kumain dun..

isang tanong ang umalingaw-ngaw sa isip ng bawat kumakaing pinoy dun..
"bakit ang daming kumuha ng pinoy ng pagkain, na parang di makatalon ang
pusa, sa dami ng nilalagay na pagkain sa isang handaan o sa isang okasyong
tulad nun?"
ang sagot ng iba ay ganito, "dahil sadyang malakas kumain ang pinoy!",
"dahil patay gutom ang pinoy", at kung anu- ano pang dahilan..

may sarili akong paliwanag sa ganitong asal ng pinoy pagdating sa kainan..
kung bakit ganito ang pinoy sa kainan, dahil ayaw ng pinoy na makita syang pabalik-balik
sa pagkuha ng pagkain. malaki kasi ang "conscious" ng pinoy sa "shame culture" natin..
dahil sa hiya system natin..

para sa "pag-unlad" daw ang sabi nila..


halos isang buwan din ako nawala..
dito sa amin.
dahil inooperahan ang asawa ko, at
sa sta. ana, manila kami namalagi
dun sya nagpagaling..

pagbalik namin dito sa ibayo, tipas..
nakakarimarim ang sumalubong sa amin..
wasak-lubak na ang dating patag at sementadong
lansangan ng elisco (nagdudugtong sa tatlong barangay)..

sang tambak ng mga truck ang labas-masok sa kalsadang ito..
di ko maiisip na nagkaganito ang bayan na kinalakihan ko.

bakit dito nagsisiksikan ang mga malalaking batching plant,
mga warehouse at kung anu-ano..
di ko alam kung tama ang konklusyon ko..
ang mga batching plant ay nandito dahil sa "the fort"
naghahanda para sa malawakang pagpapatayo ng mga dambuhalang
"kabaong" (building)..
sa makati kasi, hindi sila maka-epal dun
kaya andito sila sa barangay namin.

ang punto ko lang, kung magiging "progresibo" ang isang lugar
dapat progresibo din ang inprastraktura.
tulad ng paglapad ng lansangan.
pero hindi ito nangyayari..
masyadong makipot ang lansangan, kaya sakit sa ulong trapik ang bunga nito.

mahal ba talaga ni freddie tinga ang bayan ng taguig?

feeling nya..

meron akong pamangkin, dalawang taong gulang...
nakakatuwa at sobrang nakakaggil syang pagmasdan..
maraming alam na kalokohan..
kaya, isa sya sa mga nagpapawala ng pagod at lungkot ko...
pero napapansin ko sa kanya habang lumalaki,
umaastang matanda na sya..

malaki ang epekto ng mga taong nakapaligid sa atin..
kalimitan ginagaya natin ang asta ng iba..
naipapasa ng bawat isa ang mga "kultura" na kung anung meron tayo..
lenggwahe, kilos, at pananaw...
kaya ang kultura ay "pinagsasaluhan", "naipapasa", at "natutunan"...
sa puntong ito dito nagbabago ang isang kultura..

di ko pwedeng sabihin na nagiging progresibo ang isang kultura..
kundi, hindi nawawala ang kinagisnang kultura, natatabunan lamang ng "bagong" kultura..

bilang matanda sa lipunan...
dapat maingat tayo sa mga "kulturang" ipapasa natin sa mga susunod sa atin...
maging mapanuri tayo...
baka isang araw, magising tayo hindi na natin kilala ang ating sarili..

mabuhay ang Pilipinas!!

magsilbi sa DIYOS at sa bayan!

PAGPAPALA KAY APODIOS!!

lupang hinirang, lupang hinarang..


dalawang linggo na ang nakakalipas nung inaya ako ni kuya rex (taga-ISACC) na pumunta sa Ateneo..
di ako nagdalawang isip na sumama..
sinabi nya kasi na manood kami ng indie film na tumatalakay sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)..
bilang isang dating communista, nakapagbigay ng atensyon at damdamin sa akin ito..
masaya at excited ako na maglakad patungo sa Ateneo..
maraming mga anak ng panginoong may lupa ang andun..
nakakatuwang isipin..
na ang sumusuporta sa nasabing palabas ay mga anak ng mga mapanupil sa lipunan..

halo-halo yung nararamdaman ko habang tumatakbo yung palabas..
galit, awa, saya..
sa kalagitnaan ng palabas..
di ko na mapigilang umiyak..
iyak ng isang parang bata na naghahanap ng yakap at sagot...
bakit nagkaganun...

bawat hakbang ng mga magsasaka ng sumilao..
bawat paglipas ng gutom ng mga magsasaka ng negros...
dagok at hirap ang nararamdaman ko..

ang tanung ko sa sarili ko..
anu ang silbi ng simbahang ebangheliko sa usaping CARP?
handa bang mamatay sa pagsulong ang mga ebangheliko sa ganitong usapin?

lugar na walang mahirap..


minsan pumunta ako sa my market-market..
lakad lakad ng kaunti..
naintriga ako sa serendra..
napakamahal kc nung unit dun..
nag-usisa ng kaunti..
nung tumapak ang mga paa ko sa hilera ng mga restaurant dun...
parang ibang mundo ang napasukan ko..
parang gusto kong umatras..
pero tinuloy ko ang aking pagpasok dun..
medyo kabado ako..
palinga linga ako..
kita ko dun ang mga kakaibang tao na nakikita ko sa pabulosong
"konyotik" na palabas sa telebisyon..
mga magazine show sa kahon ng "popular culture"..
bigla kong tinignan ang itsura ko kc tinitignan ako ng mga elitistang
mapanupil sa lipunan..
mga taong ilang porsyento lang sa "tatsulok" ng lipunan..
ako, naka short, t-shirt at suot suot ang mga pangkatutubong
kulerete sa braso, hita at paa..
napansin ko ang mga di pangkaraniwang establishimento na puno ng
mga "burgis"...
tuloy pa rin ang lakad.. pinagmamasdan ang kilos at nakikinig sa mga
tawanan at kwentuhan..
bigla akong naiyak sa sitwasyon..
bigla kong nakita yung mga bata sa lansangan na my tangantangang plastik
na sinisinghot..
mga pamilya na nakatira sa kariton, mga batang naglalakad ng apat na
oras para lang makapag-aral sa eskwela..
mga kabataang nakatambay sa kanto namin na di makapag-aral dahil sa
walng pampaaral..
mga tatay na di iniinda ang sakit sa paghalo ng semento, mga nanay na
matyagang hinihimay ang mga produkto sa factory...
mabilis at marami akong naalala..
hagulgol na yung iyak ko..
nagdesisyon akong umupo..
hinimas himas ang likod ko ng aking asawa..
sabi ko "bakti ganito ang nararamdaman ko?"
bakit nalulungkot ako sa gitna ng "lugar" kung saan WALANG MAHIRAP?

eto ba ang produkto ng "pyudalismo"?
eto ba yung sistema ng demokrasya?
iilan lang ang nakikinabang sa yaman ng pinas
nagdesisyon akong bumalik sa market-market..
nakakita ng murang libro..
"COMMUNIST POLITICAL SYSTEM: an introduction"

masaya ako
mababasa ko ito..
at mga taong hihiram nito sa akin...

dumi sa ilalim ng "carpet"..

matagal na ako sa aming lugar..
dito na ako lumaki...
hanggang sa nag-asawa..
nakita ko ang mga pagbabago sa aming bayan..
naging mulat ako sa pampulitikong ideyolohiya...
nakakalungkot lang..
nagpapalit lang ang administrador ng aming bayan pero walang nangyayari..
lalo sa aming barangay..
kahit papano ay naging masaya ako sa pagsisilbi sa aking bayan..
nagbibigay ako ng mga suhestiyon at mungkahi sa "dalawang bundok na nag-uumpugan"..
pero sa bandang huli ay taung bayan ang nagdudusa..
kapwa pinagmamalaki ang "the fort"..
"the fort" ang tumatayong "carpet" sa aming bayan"
"the fort" ang nagkukubli sa kabulukan ng aming bayan..
walang kongkretong programa para sa masa...
kanya-kanyang interes para manatili sa pinoprotektahang posisyon..
mapa barangay hanggang sa lokal na gobyerno..
isinasantabi ang sangdamakmak na problemang pang-lipunan..
sira-sirang lansangan..
kurapsyon sa pang-gobyernong tanggapan...
di matapos-tapos na problema sa droga..
mataas na porsyento ng malnoris..
umaapaw ng kabataang tambay sa lansangan..
jueteng na patuloy tinatayaan..

mahirap na masarap na mapabilang sa simbahan na naglalayon ng pagbabago sa lipunan..
natutunan ko sa aking mentor na si Bishop Punzalan, na kailangang "i-navigate" ang usaping pampulitika..
mahirap para sa aking na may kaisipang "sosyalista"..
pero alam ko na andiyan ang PANGINOON na kasa-kasama namin na tatahakin ang paglilinis sa dumi sa ilalim ng "carpet"..

kurapsyon: antropolohiyang perspektibo sa munting diskusyon

nitong mga nakaraang pagpupulong namin (ISACC staff meeting)..
di maiwasang mapag-usapan ang iba't ibang usapin dahil
bumabalangkas kami ng mga activities sa loob ng ISACC..
isa sa mga nagustuhan ko sa institusyong ito ay magkaroon ng munting
"forum" sa loob ng meeting namin..
magsisimula kmi ng 1:30p.m at natatapos kami ng 7p.m.
masaya ang bawat yugto.. umaatikabong baliktaktakan..
isa sa mga napagtuunan namin ng munting diskusyun ay ang usaping
KURAPSYON..
eto ang mga nakikita naming malalim na dahilan na nakaugat sa ating kultura..
sabi ni rei (isa sa mga boss ng ISACC), dahil ginagawa ito(kurapsyon) ng marami,
"gagawin ko na rin"..
sumang-ayon si mam melba (maggay) sa nakita ni rei...
biglang may pumasok sa isipan ko...
ang kurapsyon ay isang "sabwatan" sa "loob" ng pinoy na gumagawa nito..
ibig kong sabihin nito ay..
kung nasa "loob" (konsepto ng loob at labas ng pinoy) ka, o sakop ka ng "loob",
dito papasok ang balato system..
napatunayan ito sa sitwasyon ni erap.. marunong syang mambalato..
kaya maraming pilipino ang nagsasabi na walang kasalanan si erap..
isa ring dahilan nito ay dahil ginagawa ito ng iba, gagawin na rin nila..


(ipagpapatuloy ko pa ito.. kapos ako sa oras...)