dito sa amin, may tinayong simbahan ng protestant..
sa katapat nun, may ginagawang tatlong palapag na bahay..
may similarity silang dalawa, di lang dahil sa nagpapatayo sila, kundi nasa iisang sakop sila ng lokal na pamahalaan..
ang matinding pagkakaiba nila, yung simbahan may building permit, yung isa wala. wala akong nakikita hanggang ngayon na nakapaskil sa labas..
nagtataka ako dahil ang may ari ng tatlong palapag na bahay na ginagawa ay pagmamay-ari ng mga cerafica, si arnel cerafica ay konsehal ng bayan ng taguig. ang kapatid naman nya ay kapitan ng barangay palingon-tipas.
sabi ko sa sarili ko, pilipino naman sila. botante ng lungsod ng taguig. so ang ibig sabihin, sakop sila ng batas.
tanong ko lang, bakit wala silang building permit. kung meron man, bakit di nakapaskil sa labas o nakikita ng mga tao.
di maiwasan ang mapag-isip. may katungkulan sila at mataas ang "accountability" nila sa taong bayan.
kung totoo sila na tagapaglingkod ng bayan. dapat sila ang nangunguna sa pagsunod ng batas. at hindi abusuhin ang kapangyarihan.
nagmamatyag lamang ako. nagsusuri sa aking lipunan. at naghahangad ng pagbabago sa aking komunidad na ginagalawan..


