MAGSILBI SA DIYOS at sa bayan!!

MAGSILBI SA DIYOS at sa bayan!!

Friday, January 15, 2010

anung nangyari?

kagabi, halos di pa nag-iinit ang aming mga paa ng aking asawa sa pagdating namin sa bahay..
kaunting kwentuhan, nood ng t.v at paglatag ng aming tutulugan..
nagulat kami nung may narinig kaming malakas na balabag ng pintuan ng sasakyan..
dali-dali kong tinignan kung yun na ba ang pinsan ko, dahil ako ang magbabayad ng taksing sinakyan nya, wala kasi syang pera at ito ay nanakaw sa kanyang opisina.. kalungkot
nung pagtanaw ko sa aming bakod kung sino ang dumating, nagulat ako nang makita ko ang mga tanod, apat sila, dala ang serbis ng barangay.
may dala silang mga mahabang patpat, tingin ko yantok yun, yung pang-arnis..
tinanong ko kung bakit nila iniilawan ang dingding ng bakanteng lote, na katabi ng bahay namin.
ang sagot nila sa akin ay ganito, "may hinahabol kasi kaming bata. binabato kasi nila yung mga dumadaan sa barangay"
dali kong binaling ang aking paningin sa bakante at madamong lote.
wala akong makita.. ang sabi ko pa "kuya, baka sa kabila tumakbo" sinagot nila ako "di, dito tumakbo". hindi na ako nagtangka pang nagtanong.
maya-maya, dumating na yung sasakyan ng pulis at may lulan ng tatlong pulis (pakiwari ko dahil madilim)
habang ginagalugad nila ang damuhan, nagsasalita sila (sermon sa bata)..
hawi dito, hawi doon..
maya maya may nagtaas ng kamay sa kalagitnaan ng damuhan.
nagulat ang aking asawa at tita at tito ko..
kahit ako rin ay nagulat..
isang bata ang tumayo at nakataas ang dalawang kamay sa ere..
binitbit nila ang bata sa damit..
nakahanda akong ipagtanggol ang bata kung nakita kong sasaktan nila..

habang tinatanaw ko ang sasakyan ng barangay at hanggang sa mawala ito sa aking paningin..
napaisip ako at tinanong ko sa aking sarili..
bat nangyari iyon?..
anu na ang nangyayari sa mga kabataan ngayon?
sino ang may responsibilidad sa mga bata?

naawa at nahabag ako..
pinikit ko ang aking mga mata at nanalangin na bigyan nawa ako ni BATHALA ng oras at talino..
para makausap at maging kaibigan ko ang mga kabataan ..
gagawin ko din sa kanila yung ginagawa ko sa 35 na kabataan sa aming simbahan..

No comments:

Post a Comment