tumawag ako sa aking asawa, tinanong ko sya kung nasan na sya..
sumagot naman sya kung asan sya, pero nung ibababa ko na ang aking selpon,
may pahabol sya... bumili daw ako ng "sanitary napkin" nya..
pagkababa ko ng jeep, galing ng crossing..
di ko sya binigo, dali-dali akong tumungo sa mercury drug at diretso ako sa hanay ng mga makukulay na "sanitary napkins".
nakita ko agad na may dalawang babae na panay ang pili sa mga napkins.
pero ako, malayo pa lang nakita ko na yung hinahanap ko. modess all night..
pakiwari ko, nagulat yung dalawang babae, dahil bigla kong dinaklot ang modess at sabay umalis..
binayaran ko at sumakay na ako ng tricycle.
habang nasa tricycle ako..
naisip ko na, di na ganun ka-konserbatibo ang ating lipunan pagdating sa pagbili ng "sanitary napkin".
isa sa mga palatandaan ay, hindi na konserbatibo ang mga tao. dati kasi, kapag inuutusan ako ng mama ko na bumili ng napkin, nagagalit ang lola ko na ako ang bumibili, sabi kasi ng lola ko, dapat babae ang bumibili, kaya yung kapatid kong babae ang bumibili. ngayon, wala ng ganung kaisipan, hindi dahil patay na ang aking lola, pero sa kabuuan. okay lang na bumili ang isang lalaki ng napkin.
pangalawa, lantad ito sa lahat, kung baga access able. tanda ko pa noon, kapag ako ang bumibili, binabalot pa sa dyaryo. pero ngayon, di na binabalot pa sa dyaryo.
pangatlo, dahil sa isang damakmak ang mga komersyal sa t.v., nakokondisyon ang utak ng tao na humahantong sa "okay" lang ang bumili ang mga lalaki ng sanitary napkin..
at pang-apat, dahil sa globalisasyon, umuusbong ang mga feminista na naghahangad ng pantay na karapatan sa mga lalaki, na hindi dapat ikahiya na "meron" ka..
tunay nga na "open city" na ang ating bayan sa ganitong usapin...
No comments:
Post a Comment